Umabot na sa higit 920,000 ang naghain ng kanilang application para sa voters’ registration para sa May 2022, national at local elections.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na mula September 1 hanggang December 28, 2020 – ang kabuuang bilang ng voters’ registration applications ay umabot na sa 925,937.
Hinihikayat ni Jimenez ang mga kwalilpikadong magparehistro.
Ang lahat ng Offices of the Election Officer (OEO) ay bukas tuwing Lunes hanggang Huwebes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon para tumanggap ng mga aplikante.
Nagpaalala rin ang poll body sa mga aplikante na sumunod sa health protocols.
Magtatagal ang voters’ registration period hanggang September 30, 2021.
Facebook Comments