Halos 1 milyong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa isang drug raid sa Antipolo

89

Aabot sa isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA sa drug raid sa Antipolo.

 

Nakumpiska ang mga iligal na droga sa bahay nina Jon Paul at Noryly Agir sa barangay Sta. Cruz.

 

Ayon kay Dheo Tabor ng PDEA – sinusubukan muli ng mga drug trafficker na makapag-distribute ng bultuhang shabu kasabay na rin ng pagsuspinde sa kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

 

Kaugnay nito, iniutos na ni PNP Chief Ronald Dela rosa ang pagbuo ng mga Anti-Drugs unit sa lahat ng police stations sa buong bansa.

Facebook Comments