Dalawang lalaking namaril sa mga pulis sa isinagawang raid sa bahay ni Angel Manalo, sinampahan na ng kaso

14

Sinampahan na ng kasong frustrated murder at direct assault ang dalawang lalaking responsible sa pamamaril sa mga pulis na nagsagawa ng raid sa bahay ni Angel Manalo sa Quezon City.

 

Kinilala ng QCPD-CIDU ang mga suspek na sina Jonathan Ledesma at Joseph Sabbaluca.

 

Ayon kay QCPD-CIDU Chief Supt. Rodelio Marcelo, sina Ledesma at Marcelo ay positibong itinuro ng mga nasugatang pulis.

 

Kahit tumangging sumailalim sa gun powder test ang mga suspek, sapat na aniya ang testimonya ng mga pulis para sampahan ang mga ito ng kaso.

 

Matatandaang noong Huwebes ay nagsagawa ng raid ang pulisya sa bahay ni Manalo sa bisa ng search warrant kaugnay ng pagkakaroon nito ng armory.

Facebook Comments