Halos 10 bahay, natupok sa nangyaring sunog sa Maynila

Tuluyan nang naapula ang sunog na maganap sa isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila.

Partikular sa M. Natividad Street malapit sa kanto ng Remegio at Oroqueta Street sa Brgy. 316, Zone-32.

Nagsimula ang sunog ng alas-7:18 ng umaga at tuluyan na-fireout ng alas-8:24 ng umaga.


Inabot ng ikalawang alarma ang sunog kung saan tinatayang aabot sa sampung bahay na karamihan ay ginawang aparment ang nadamay sa insidente.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Mayhaligue Street hanggang Remegio Street maging ang bahagi ng Taft Avenue.

Inaalam pa hanggang sa kasalukuyan ang pinagmulan ng sunog maging ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

Facebook Comments