Nasa 9.9 percent mula sa 4,751 samples na sinuri ng Philippine Genome Center (PGC) ang natukoy na mga bagong variant ng COVID-19 simula noong Enero.
Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma, 4,050 sa mga ito ang may lineage sa buong bansa.
Aniya, 237 sa mga ito ay may UK variant, 163 ay may South African variant, isang Brazil variant at 104 na variant of concern na nakita sa Central Visayas.
Paliwanag ni Saloma, kaya ng PGC na makapag-genome sequence ng 750 sampe kada araw.
Pero imposible aniyang ma-genome sequence ang lahat ng sample dahil depende ito sa bilang ng mga kaso at sa limitadong teknolohiya.
Dagdag pa ni Saloma, mataas ang fatality rate ng UK variant sa mga matatanda habang napapababa ng South African variant ang efficacy ng bakuna.