Higit 1,800 na bilanggo, nakatakas sa isang kulungan sa Nigeria

109

Tinatayang higit 1,800 na bilanggo ang nakatakas sa Owerri Prison sa Imo State sa Nigeria matapos pasabugan ng mga armadong grupo ang isang bahagi ng kulungan.

Ayon kay Imo State Corrections Service Spokesman James Madugba, sakay ng mga trak at bus ang mga hindi pa nakikilalang suspek bago sugudin at makipagbarilan sa mga bantay ng pasilidad.


Mariin naman kinondena ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang pag-atake at tinawag itong ‘act of terrorism’.

Ipinag-utos niya rin sa kapulisan na agad hanapin at hulihin ang mga salarin at nakatakas na bilanggo.

Facebook Comments