Halos 10 truck na basura, nahakot sa mga dinaanan ng Poong Nazareno

Manila, Philippines – Tulung-tulong naman ang mga kawani ng DPWH at MMDA street sweepers sa paglilinis sa mga lugar na dinaanan ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Sa interview ng RMN Manila kay Lea Borreta ng MMDA Street Sweeper Team, halos nasa sampung truck na ng basura ang kanilang nahakot mula sa Quirino Grandstand sa Luneta.

Naging mabilis aniya ang kanilang paglilinis upang makahabol sa mga lugar na dinadaanan ng Poong Nazareno.


Kasabay nito, nanawagan ang MMDA ng disiplina sa mga namamanata dahil sa dami ng mga basurang iniwan ng mga ito.

Facebook Comments