Quiapo church, dinagsa na rin ng mga deboto; Oras–oras na misa, isinasagawa!

Manila, Philippines – Oras – oras na ang isinasagawang misa sa Quiapo church sa Maynila.

Punong-puno ang simbahan ng mga nagdarasal habang hinihintay ang pagdating ng Poong Nazareno.

Ilan sa mga deboto ay hindi na sumama sa prosisyon at mas pinili na sa simbahan na lang manalangin.


Ilan kasi sa mga ito ay may mga karamdaman habang ang iba ay senior citizen na.

May mga deboto namang dumaan muna sa Quiapo church bago pumunta sa Traslacion.

Facebook Comments