Halos 100 beses na cyber-attack sa power grid na pinapatakbo ng NGCP, nabunyag

Manila, Philippines – Humigit kumulang 100 beses ng inaatake ng mga hacker ang nag-iisang power grid ng bansa o ang linya na pinagmumulan ng pagdaloy ng kuryente sa buong bansa.

Ito ang inamin ni National Grid Corporation of the Philippines o NGCP President and CEO Anthony Almeda sa pagdinig ng Senate Committee on Energy na pinamumunaun ni Senator Win Gatchalian.

Paliwanag ni Almeda, wala iyong kaibahan sa banta ng hacking sa mga bangko.


Ang naturang impormasyon ay ikinagulat at ikinadismaya ng mga senador dahil hindi agad ipinalaam sa pamahalaan.

Punto ni Senator Richard Gordon, nakataya dito ang seguridad ng bansa at hindi lang simpleng isyu ng pagsusuplay ng kuryente.

Katwiran naman ni Gatchalian, bakit NGCP lang ang nakakaalam ng tangkang hacking at saan ito nanggagaling at hindi rin ito maikukupara mga bangko dahil sa power grid nakasandig ang suplay ng kuryente ng buong bansa.

Dahil dito ay pinapasumite ni Gatchalian ang NGCP ng report ukol sa nabanggit na cyber-attacks na posibleng maging daan para mamatay ang kuryente natin anumang oras.

Facebook Comments