Change of command sa PH Navy pinangunahan ni PRRD

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang change of command sa Philippine Navy sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.

Ngayong araw pormal nang mauupo bilang bagong Flag Officer in Command ng Philippine Navy si Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo.

Pinalitan nito si Vice Admiral Robert Empedrad na sumapit na sa kanyang mandatory age of retirement ngayong araw, February 3.


Si Bacordo, ay kabilang sa Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.

Bago ito mahirang bilang navy chief nagsilbi si Bacordo bilang commander ng Philippine Fleet na nasa serbisyo na sa loob ng 36 na taon.

Minanduhan din nito ang navy units na nagsilbing territorial defense sa West Philippine Sea at pinamunuan ang grupong lumalaban sa mga communist at local terrorist groups.

Facebook Comments