Halos 100 LGU, bagsak sa validation ng DILG sa road clearing operations

251

Bagsak sa validation ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa paglilinis at pagsasaayos ng mga kalsada ang halos 100 Local Government Units (LGUs).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – kabuoang 97 LGU mula sa iba’t-ibang rehiyon ang hindi nakasunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Dahil dito, inihahanda na ng ahensya ang show cause order para sa mga LGU at bibigyan sila ng limang araw para magpaliwanag.

Kahit lumampas sa deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte, magpapatuloy pa rin ang validation ng DILG sa mga LGU.

Sa kabila nito, naging matagumpay pa rin ang nationwide road clearing operations ng mga LGU sa buong bansa.

Sa kabila ng mga balakid at pagsubok, malaking bahagdan ng mga LGU sa bansa ang nakasunod sa paglilinis ng mga kalsada at bangketa sa mga sagabal o obstruction.

Facebook Comments

From Advertisers