Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ngayon ay umaabot na sa 2,621.
Batay sa ulat ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 83 na mga pulis ang infected ng COVID-19.
32 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tig- walo sa Police Regional Office (PRO) -3 at PRO-5.
Tig-lima naman na nakatalaga sa National Headquarters, Special Action Force (SAF), at anim sa PRO-4B.
Tatlo pang pulis nakatalaga sa PRO-4A at PRO-7 at dalawa sa Information Technology Management Service (ITMS) habang tig-iisang pulis na nakatalaga sa PNP Retirement and Benefits Administration Service (PRBS), Anti-Kidnapping Group (AKG), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG), PRO-6, PRO-9, PRO-11 at PRO-Bangsamoro Autonomous Region (BAR) ang positibo rin sa virus.
Good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 1,757 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 853 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,152 na pulis ang suspect case ng COVID-19.
Nanatili naman sa 12 na mga pulis naman ang namatay na dahil sa COVID-19.