Halos 100 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19, naiturok na sa mga Pilipino

42

Aabot na sa 99,139,603 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa bansa, batay sa update ng National COVID-19 Vaccination dashboard.

Sa datos, 55,631,318 Pilipino na ang nabigyan ng first dose habang mahigit 42 milyon na ang fully vaccinated.

Nakapagturok naman ng mahigit 78,000 doses ng booster shot kahapon kaya umakyat na sa 932,198 ang kabuuang bilang ng nabigyan ng booster shot.


Karamihan ng naturukan ng booster shot ay mula sa National Capital Region (NCR) kung saan mayroong 363,666 inibidwal ang naitala.

Facebook Comments