Omicron variant, mas mabilis dumami sa daluyan ng hangin kaysa sa baga ayon sa isang pag-aaral

143

Mas nabubuhay ang COVID-19 Omicron variant sa daluyan ng hangin kumpara sa baga, base sa datos ng website ng Cold Spring Harbor Laboratory na biorxiv (bio-archive).

Sa pag-aaral, lumalabas na 70 beses na mas mabilis dumami ang Omicron variant sa mga daluyan ng hangin kumpara sa Delta variant.

Ito ang nakikitang dahilan kung bakit mas mabilis itong makahawa.


Habang mas mabagal ng 10 beses ang pagdami ng Omicron variant kapag ito ay nasa baga kaya hindi gaano ito nagdudulot ng malalang sakit.

Ang datos na nakapost sa website ng biorxiv (bio-archive) ay sumasailalim na sa review para mailathala.

Facebook Comments