Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra Polio ang 95% ng populasyon ng mga batang may edad lima pababa sa bansa.
Ito’y kasabay ng paglulunsad ng “Patak Kontra polio” Immunization Program sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Country Representative, Dr. Rabindra Abeyasinghe, walang dapat ikabahala ang mga magulang sa pagpapabakuna kontra Polio.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, Open Defecation o ang pagdumi kung saan-saan ang isa sa dahilan ng pagbalik ng Polio sa bansa.
Dapat iprayoridad ang pagtatayo ng banyo na may poso negro.
Nagbukas ang DOH ng Polio Vaccination Centers sa mga Barangay Hall at Health Centers.
Pwede ring magpabakuna ng libre sa mga pampublikong ospital at ilang private hospitals na nakiisa sa programa.
Papayagan naman ang mga magulang na hindi mapabakunahan ang kanilang mga anak basta magpakita ng Medical Records.
Magtatagal ang Polio Vaccination hanggang October 27.