Halos 100 Pamilyang Muslim at Badjao sa Santiago City, Inilikas

94

Cauayan City, Isabela- Aabot sa halos 100 pamilya ng Barangay Mabini sa Santiago City ang apektado ngayon ng malawakang pagbaha dahil sa naranasang pag-uulan dulot ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Kagawad Joseph Cortez, ilan sa mga pamilyang naapektuhan ay kinabibilangan ng tribung Agta maging ang ilang muslim.


Aniya, prayoridad ngayon ang ilang indibidwal na may mga kapansanan, buntis, at mga bata na barangay hall na nagsisilbing mga evacuation center.

Batay sa kanilang ginawang pag-iikot, lagpas tao na ang tubig baha sa ilang kabahayan ng mga muslim dahil sa walang humpay na pag-uulan.

Tiniyak naman ng pamahalaang pambarangay at lokal na pamahalaan ang sapat na food item para sa mga biktima ng pagbaha.

Facebook Comments