Mga patay at nawawala bunsod ng Bagyong Ulysses, naitala ng PNP

57

Isa na ang naitatalang nasawi ng Philippine National Police (PNP) matapos na manalasa ang Bagyong Ulysses.

Sa ulat ni PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, ang nasawi ay naitala sa Region 5, habang isa rin ang nawawala sa CALABARZON.


May limang indbidwal naman sa Region 5 ang nasugatan.

Sa ngayon, naka-deploy ang mga search and rescue personnel ng PNP sa mga lugar na nakararanas ng matinding pagbaha.

Sa Region 2, naitala ng PNP ang 153 pamilya na lumikas.

Narescue naman nila ang 64 pamilya sa Region 2 at 653 pamilya sa CALABARZON.




Sa Metro Manila, ayon kay Col. Yu ay wala pang ibinibigay na update ang mga nagsasagawa ng rescue operation.

May isang pulis naman ang naitalang sugatan dahil sa pagrerescue sa Region 3.

Facebook Comments