Halos 1,000 biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Türkiye, nabigyan ng atensyong medical ng PEMAT

Umaabot sa kabuuang 938 Turkish patients ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa Türkiye na kamakailan ay niyanig ng magnitude 7.8 na lindol.

Ayon kay OCD Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, matapos makumpleto ang kanilang misyon, nakahalughog ang Philippine contigent ng 36 na bumagsak na straktura kung saan narekober sila ng 6 na bangkay habang nagbigay ng lecture patungkol sa hypothermia, cold injury at crush syndrome management sa local rescuers.

All accounted for na rin at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng 82 miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Türkiye na babalik sa bansa sa Marso a-uno.


Nabatid na magbibigay ng homecoming ang Office of Civil Defense kasunod nang nalalapit na pagbabalik sa bansa ng Philippine contigent.

Pebrero a-otso ng umalis ang Inter agency contigent ng Pilipinas patungong Tūrkiye upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Facebook Comments