Banking system sa bansa, nananatiling matatag ayon sa BSP

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na nananatiling malakas at matatag ang banking system sa bansa.

Ayon kay Medalla, nakakasabay rin ang banking system sa pangangailangan ng lumalagong ekonomiya ng bansa.

Kinumpirma rin ni Medalla ang pagtaas ng mga deposito at ang paglago ng assets.


Sapat din aniya ang kapital at ang loan loss reserves kaya walang dapat ipangamba ang publiko.

Facebook Comments