Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa halos isang libo ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office as of January 12,2022, mayroong 987 na active cases ang Probinsya matapos na madagdagan ng 123 na panibagong kaso.
Nakapagtala rin ang probinsya ng anim (6) na bagong gumaling at dalawang (2) namatay.
Tumaas naman sa 58,556 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa probinsya maging sa bilang ng mga nasawi sa nasabing sakit na umabot sa 2,096.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 61,639 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Isabela.
Samantala, nasa tatlong (3) bayan na lamang sa Isabela ang COVID-19 free o zero active cases na kinabibilangan ng Burgos, Dinapigue at Divilacan.
Facebook Comments