Quezon City, Philippines – Tinatayang aabot sa P100,000.00 halaga ng gamit ang natanggay ng mga hinihinalang miyembro ng Basag-Kotse Gang mula sa isang SUV na nakaparada sta. Teresita, Quezon City.
Sa imbestigasyon, ipinarada ng biktimang si Jesus Roderick Tuazon, sa tapat ng isang resturant sa lugar ang kaniyang sasakyan para kumain.
Nagulat na lamang ang biktima sa pagbalik nito kung saan nakita na lamang niyang basag na ang salamin ng kaniyang sasakyan.
Nakuha mula dito ang isang handbag na naglalaman ng mga cellphone at tablet.
Sa ngayon ay pinagaaralan na ang kuha ng CCTV camera sa lugar upang matukoy ang pagkakakilalan ng mga suspek.
DZXL558
Facebook Comments