HALOS 130 KILO NG BASURA, NAKOLEKTA SA NAGPAPATULOY NA KALINISAN PROGRAM SA BACNOTAN, LA UNION

Halos 130 kilo ng basura ang nakolekta sa Brgy. Pandan, Bacnotan, La Union sa nagpapatuloy na Kalinisan sa Bagong Pilipinas program, na isinagawa noong Pebrero 20 sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga residente, lokal na opisyal, at kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pambansang pamahalaan.

Layunin ng programa na palakasin ang kultura ng disiplina at malasakit sa kalikasan, habang pinaiigting ang pangangalaga sa kalusugan at seguridad ng mga residente.

Binigyang-diin ng alkalde ng bayan na ang kalinisan ay dapat maging nakagawiang ugali upang masiguro ang ligtas at maayos na pamumuhay ng lahat.

Bahagi rin ng programa ang aktibong pakikilahok ng mga residente, na may humigit-kumulang 100 kalahok, sa mga clean-up drive at pagpapalakas ng kamalayan sa responsibilidad sa kapaligiran.

Facebook Comments