Halos 14, 000 mga pasaherong nagpa-Pasko sa mga lalawigan, dinadagsa na sa mga pantalan

Umaabot na sa halos 14,000 na mga pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa buong bansa.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 7,559 dito ang outbound passengers habang 5,944 inbound passengers sa mga ports sa bansa.

Mahigpit naman ang inspeksyon na ginagawa ng frontline personnel ng PCG mula sa 15 PCG Districts.


Mananatili namang naka-heightened alert hanggang January 5,2022 ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng Coast Guard.

Pinaalalahanan naman ng PCG ang mga biyahero na alamin ang ordinansa o protocols sa kanilang pupuntahang destinasyon.

Facebook Comments