Nakapagtapos ng elementarya at high school ang halos 140 na preso sa ginanap na graduation sa Maximum Security Compund sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City.
Naipasa nila ang Accreditation and Equivalency Test ng Alternatve Learning System (ALS), programa ng Department of Education (DepEd).
Paliwanag ni Chief Inspector Stella May Lat, hepe ng Training and Education Section ng NBP, nasa ilalim ng reformation program ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga PDL (persons deprived of liberty) na binibigyan naman nila ng Good Conduct Time Allowance.
Dagdag ni Lat, bukod sa pag-aaral ay nababawasan din ang sintensiya ng pagkakakulong ng mga preso.
Ang mga nakapagtapos ay mabibigyan ng certificate o diploma at transcript of records (ToR) na kanilang magagamit sakaling mag-kolehiyo at sa paghahanap ng trabaho.