ILOCOS REGION – Umabot na sa higit 143,000 na estudyante ang nakapagparehistro sa Ilocos Region para sa School Year 2021-2022.
Sa datos ng Department of Education Region 1, mula ika- 26 ng Marso hanggang ika-24 ng Abril ay nasa 142, 812 learners sa Ilocos Region mula sa Kindergarten, Grade 1, 7, at 11 ang maagang nag-enroll para sa bagong school year.
Sa nasabing bilang 30, 732 dito ang mula sa Kindergarten, 52, 696 sa Grade 1, sa Grade 7 ay mayroong 28, 618 at sa Grade 11 naman ay 30, 766 na learners. Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon na mayroong 205, 973.
Ayon kay Cesar Bucsit, tagapagsalita ng DepEd Region 1, bagama’t mababa ang naitalang bilang sa ngayon ay mayroon pa umanong natitirang araw upang mairehistro ang mga estudyante.
Dagdag pa ni Bucsit, maikokonsidera nang magandang datos ang bilang ng mga maagang nagparehistro sa kabila ng pandemya. Samantala, pakiusap nito sa mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak hanggang sa pagtatapos ng early registration sa ika-30 ng Abril.