Cauayan City, Isabela- Aabot sa 143 regular na kasapi ng New People’s Army at Milisya ng Bayan (MB) ang nabigyan na ng tulong mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan.
Ayon kay MGen Pablo M. Lorenzo, pinuno ng 5th Infantry ‘Star’ Division, Philippine Army, sinabi nito na sa buong Region 2, nasa 32 sumukong NPA at 49 milisya ng bayan ang nakinabang na sa naturang programa ng gobyerno habang sa Cordillera ay nasa 15 rebelde, 35 MB at 12 supporters.
Ito aniya ang mga nabigyan na ng tulong na sumuko sa taong 2019 sa buong nasasakupan ng 5th ID.
Gayunman, patuloy pa rin ang panawagan ng kasundaluhan sa mga natitirang NPA na yakapin na ang inilaang programa ng pamahalaan upang mawakasan na rin ang insurhensya sa bansa.