Halos 1,500 Pinoy repatriates, dadating ngayong araw sa bansa

26

1,470 Overseas Filipino repatriates ang nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA)-Media affairs division Office, 350 Pinoy repatriates mula UAE sakay ng Philippine Airlines flight PR659 ang unang dadating.

Sunod na dadating ang 320 Pinoy repatriates mula Dubai sakay naman ng Emirates Airlines flight EK332 na inaasahang lalapag sa NAIA mamayang alas-4:15 ng hapon.

400 Pinoy repatriates naman mula Dubai sakay ng Cebu Pacific flight 5J19 ang lalapag ng alas-5:15 ng hapon sa NAIA Terminal 3.

Habang ang 400 Pinoy repatriates na galing naman ng Amsterdam sakay ng KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 ang dadating ng alas-6:00 mamaya sa NAIA.

Facebook Comments