Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension, pinamamadali ni Senator Revilla

129

Hiniling ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang konstruksyon ng LRT-Line 1 Cavite Extension Project.

Ito ay mula sa Baclaran na dadaan ng Parañaque at Las Piñas hanggang sa Bacoor, Cavite.

Ginawa ni Revilla ang apela sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 National Budget na nagkakahalaga ng mahigit 4.5-trillion pesos.

Ayon kay Revilla, panahon pa ni dating Pangulong Fidel Ramos ang proyekto pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Binigyang-diin ni Revilla na makikinabang sa naturang LRT extension ang 4.5 hanggang 5 milyong commuters mula sa Las Piñas hanggang Cavite.

Facebook Comments