Halos 1,600 OFWs mula Malaysia at Middle East, darating ngayong araw sa bansa

166

1,570 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuala Lumpur, Malaysia at iba’t ibang bansa mula sa Middle East ang darating ngayong araw sa bansa.

Ang naturang Pinoy repatriates ay sakay ng limang flights kung saan ang unang 350 repatriates mula Riyadh, Saudi Arabia via Philippine Airlines flight PR685 ay dumating ngayong alas-10:00 ng umaga.

Bago naman mag-alas-11:00 ng umaga darating ang 200 repatriates mula Kuala Lumpur via Air Asia flight Z2943.

300 repatriates din mula Bahrain via Gulf Air flight GF154 ang darating ng alas-11:30 ngayong umaga.

320 OFWs din mula Dubai, UAE via Emirates Airlines flight EK332 ang darating ng alas-4:14 mamayang hapon.

Habang ang 400 repatriates mula rin sa Dubai ay sakay naman ng hiwalay na Cebu Pacific flight 5J19 at darating sa bansa ng alas-5:15 mamayang hapon.

Facebook Comments