Halos 19,000 na bagong COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 18,754 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

Samantala, pumalo na sa 2,003,955 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang DOH ng 14,216 na bagong kaso habang 86 ang bagong binawian ng buhay.


Ang total recoveries naman ay pumalo na sa 1,829,473 at ang aktibong kaso ay muling bumaba sa 140,949.

Ang kabuuang bilang naman ng mga namatay ay 33,533.

Facebook Comments