Natanggap na mga bakuna ng bansa, kinulang ng mahigit 4-M nitong August

Nabigo ang national government na magkaroon ang bansa ng 22,726,060 vaccine laban sa COVID-19 nitong buwan ng Agosto.

Batay sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, mula Agosto 1 hanggang 31, nakatanggap ang bansa ng 18,039,890 doses ng mga bakuna.

Ito ay kinulang ng 4,686,170 doses ng COVID-19 na target sanang matanggap ng bansa nitong Agosto 3.


Kabilang na rito ang 13,524,790 binili ng gobyerno, 3,000,060 doses mula sa COVAX Facility at 1,515,040 doses na donasyon ng ilang bansa.

Facebook Comments