Halos 19,000 pasaherong palabas ng Metro Manila, naitala ng Philippine Coast Guard

Nakapagtala na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 18,986 outbound passengers at 14,549 inbound passengers sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Kasabay ito ng paggunita ng Undas nitong long weekend.

As of November 4, umabot na sa 354 sasakyang-pandagat at 349 motorbancas ang ininspeksiyon ng PCG sa 15 Coast Guard districts sa bansa.


Sa bilang na ito, 2,424 ang mga personnel na ipinakalat.

Muli namang pinayuhan ng PCG ang publiko na alamin muna ang panuntunan sa mga pupuntahang lugar bago bumiyahe.

Facebook Comments