HALOS 1M HALAGA NG KONTRABANDONG KAHOY, NASAKOTE SA PANGASINAN AT NUEVA VIZCAYA

Nasa halos isang milyong halaga ng kontrabandong kahoy ang nasakote sa isinagawang dragnet operation ng mga awtoridad sa Pangasinan at Nueva Vizcaya nitong araw, Setyembre 12, 2022.

Mayroong kabuuang 983.39 board feet ng mga kahoy na Narra na walang kaukulang dokumento na nagkakahalaga ng P491,695 in Barangay Caloocan, San Nicolas, Pangasinan.

Ang suspek ay kinilala na si Angerick Epic, 27-taong gulang at residente ng Kabugao, Apayao.

Samantala, mayroon ding 806 board feet ng kahoy na nagkakahalaga ng P403,000 lulan ng Toyota Hi Ace Commuter van ang nasamsam sa Barangay Villaflores, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Kasalukuyan naman ang isinasagawang hot pursuit operation ang mga pulis upang matukoy ang suspek na nag abandona sasakyan naglalaman ng kontrabandong kahoy.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Sta. Fe mula Cagayan Valley Product Monitoring (CAVAPROM) hinggil sa transportasyon ng mga iligal na kahoy.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Kalinga ang mga kontrabandong kahoy na dadalhin sana sa isang furniture shop.

Ang mga nakumpiskang mga kontrabandong kahoy ay ipinasakamay sa DENR Region 2 habang ang naarestong suspek naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

Facebook Comments