Umakyat na sa halos Dalawang Bilyong Piso ang pinsala ng Bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura.
Sa datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center, nasa 1.93 Billion Pesos na ang iniwang pinsala ng Bagyo.
Ang damage assessment ay mula sa updated reports galing Calabaron, Bicol, Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas.
Sumampa na sa 106,525 Metric Tons ang volume ng production loss.
Aabot sa 47,639 ektarya ng Agricultural land ang naapektuhan, kabilang ang nasa 20,830 na magsasaka.
Ang Palay, Mais, High Value Crops, Livestock at Agri-Facilities ang mga lubos na tinamaan ng kalamidad.
Facebook Comments