Halos 2 Libo na Benepisyaryo ng CAMP sa City of Ilagan, Naayudahan

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 1,976 na mga benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na kinabibilangan ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at displaced workers ang tumanggap ng tig-limang libong (Php5,000) cash assistance kasabay ng selebrasyon ng ika-119th araw ng mga manggagawa na isinagawa sa Isabela Sports Complex, Alibagu sa Lungsod ng Ilagan.

Ayon kay Ms. Evelyn Yango, OIC ng DOLE Isabel field Office, isinagawa ang unang cash payout ng CAMP sa probinsya para personal aniya nilang makita at maipadama ang tulong mula sa nasabing ahensya sa pamumuno ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III.

Tiniyak naman ni Isabela Governor Rodito Albano III na hindi pababayaan ng pamahalaang panlalawigan ang mga traysikel draybers ngayong panahon ng pandemya bagkus ay patuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong at suporta.


Hiling naman ni Isabela Vice Governor Faustino ‘Bojie’ Dy III sa mga tsuper na kung mayroong isasakay na pasahero ay tiyakin na nakasuot na face mask at faceshield upang maiwasan ang posibilidad ng hawaan ng COVID-19.

Ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng CAMP ay sinaksihan nina Congressman Allan Ty ng LPGMA Partylist, Sangguniang Panlalawigan Member Emmanuel Delfinito Albano, City Mayor Josemarie Diaz at mga lokal na opisyal ng Lungsod ng Ilagan.

Facebook Comments