Halos 2 Libong Pamilya na Apektado ng Pagbaha, Tinulungan ng PCSO Cagayan

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 1,800 pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan ang nabigyan ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes ng probinsya.

Pinangunahan ni Cagayan PCSO Provincial manager Heherson Pambid ang pagbibigay ng mga relief packs sa mga residente ng barangay Lanna at Magalalag ng bayan ng Enrile at barangay Dassun at Malacabibi sa bayan naman ng Solana.

Ayon kay Pambid, ang kanilang relief operation sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha ay inisyatibo mismo ng kanilang tanggapan.


Sa kasalukuyan, ang grupo ng PCSO mula Cagayan at Isabela maging ang ilang mga kawani ng Office of the General Manager ay nasa lalawigan ng Isabela upang ipagpatuloy ang relief operation para naman sa mga naapektuhan ng severe falshfloods sa bayan ng Tumauini, San Mariano, City of Ilagan at Lungsod ng Cauayan.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni Ginoong Pambid ang bawat isa na suportahan ang Lotto, Keno at STL ng PCSO.

Facebook Comments