Nakaranas ng power interruption ang halos dalawang milyong kustomer ng Meralco sa Luzon Grid nitong Sabado dahil sa ipinatupad na manual load dropping o pagbabawas sa supply ng kuryente kasabay ng pagdedeklara ng red alert.
Ayon sa Meralco, sinimulan ang load dropping bandang 2:17 p.m. at tumagal hanggang 11:47 p.m. na nakaapekto sa mga kustomer sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna at Quezon.
Isinailalim sa red alert ang Luzon Grid nitong Sabado, simula 1 p.m. hanggang 12 a.m. ng Linggo bunsod ng outage ng Ilijan Block A at B na may kapasidad na 1,200 megawatts.
Facebook Comments