PAGASA: 48°C na damang init, posibleng maitala sa Aparri, Cagayan bukas 

Aabot sa halos 50 lugar sa bansa ang makakaranas ng delikadong lebel ng heat index o damang init bukas, base sa huling monitoring ng PAGASA-DOST.

Partikular ang Aparri, Cagayan na inaasahang makakapagtala ng 48°C na heat index, habang 46°C sa Echague, Isabela; Tacloban City; Zamboanga City at Butuan City.

Nasa 45°C naman ang posibleng damang init sa Bacnotan, La Union; Calayan, Cagayan; Tuguegarao City; Baler at Casiguran, Aurora; Daet, Camarines Norte; Masbate City; Mambusao, Capiz; Dumangas, Iloilo; Guiuan, Eastern Samar at Dipolog, Zamboanga Del Norte.


Habang 44°C sa Laoag City; Dagupan City; Batac, Ilocos Norte; Alabat, Quezon; Virac, Catanduanes; Iloilo City; Catarman, Northern Samar at Maasin, Southern Leyte.

Samantala, nasa 42 hanggang 43°C naman ang posibleng maitala sa 21 pang lugar sa bansa.

Facebook Comments