Halos 2 milyong Pilipino, nakaranas ng kahirapan nitong 2020 ayon sa World Bank

Halos dalawang milyong mga Pilipino ang nakaranas ng kahirapan nitong 2020 dahil sa ipinatutupad na restrikyon bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon kay World Bank Economist Kevin Chua, tumaas sa 1.4 percent ang bilang ng mga mahihirap mula 2018 hanggang 2020.

Ito ay matapos sumampa sa 21 percent ang mga mahihirap na Pilipino nitong 2020 na mas mataas 16.7 percent nitong 2018.


Hindi rin aniya nakatulong ang programang Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno dahil maraming negosyo at establisyemento ang naapektuhan.

Matatandaang una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na target ng gobyernong mabawasan ang bilang ng mga mahihirap sa bansa sa 14 percent mula sa 16.7 percent nitong 2018, na hindi naman natupad dahil sa pandemyang kinaharap ng bansa.

Sa ngayon, umaasa ang NEDA na makapagtatala na lamang ng 14 percent ng mga mahihirap sa bansa pagsapit ng 2022.

Facebook Comments