Halos 20 kumpaniyang nakipagsabwatan sa North Korea, pinatawan ng sanctions

World – Aabot sa 16 na kumpaniya ang pinatawan ng sanction dahil sa pakikipagtulungan sa nuclear at ballistic program ng North Korea.

Karamihan sa mga kumpanyang ito ay pag-aari ng China at Russia.

Sa nasbaing mga kumpanya, anim sa mga ito ay mula sa China, dalawang Singapore-based companies na nagbebenta ng langis sa North Korea, isang Russian companies, apat na Russian nationals at construction company na nakabase sa Namibia.


Nilinaw naman ng US Treasury Department na ang nasabing sanction ay para mapigilan ang North Korea na ipagpatuloy ang kanilang nuclear program.

Facebook Comments