Halos 20 milyong trabaho sa bansa, maapektuhan ng automation

Halos 20 milyong trabaho ang inaasahang maapektuhan kapag ginamit ng husto ng Pilipinas ang potensyal nito sa automation – ayon sa management consultancy firm na Mckinsey & Company.

Ang automation ay ang paggamit ng makina kaysa sa mga tao.

Ayon kay Kaushik Das, managing partner for Southeast Asia – matinding matatamaan ng automation ang agriculture, maging ang retail and wholesale sectors.


Aniya, 40 hanggang 50% ng mga trabaho ang makikinabang sa makabang tekonolohiya, kung saan 18 milyong trabaho na kayang gawin ng tao ay kakayanin na ring gawin ng mga makina.

May ilang sektor din ang may malaking potensyal para sa automation, kabilang na rito ang manufacturing at transportasyon.

Posibleng maapektuhan din ang mga sektor ng administrative and support, food and accomodation, education, finance, at health care.

Pinayuhan ni Das ang lahat na dapat maghanda ang gobyerno at lipunan sa mga ganitong pagbabago.

Sa ngayon, ikinukunsidera ng gobyerno na maglaan ng 5 billion pesos na budget para sa upskilling ng mga manggagawa sa business process outsourcing industry.

Isinusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Digital Philippines, na layong pagbutihin ang koneksyon ng lahat ng rehiyon sa bansa.

Facebook Comments