Sa ibinahaging impormasyon ng PRO 2, kabilang sa mga nadakip ang isa sa 13 Top Most Wanted Persons na may pabuyang nagkakahalaga ng 5,200,000 milyong piso.
May 84 katao rin na iba pang Wanted Persons ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon dos.
May lima rin naaresto at nakumpiskahan ng 4.56 gramo ng iligal na droga na may street value na Php25,000 at 25 gramo ng marijuana na nagkakahalaga naman ng Php3,062.50.
Samantala, 42 indibidwal naman ang nahuli dahil sa iligal na pagsusugal.
Dalawang katao naman ang nadakip dahil sa pag-iingat ng di lisensyadong baril habang may 28 baril at pitong explosives naman ang sinurender at narekober ng mga otoridad.
Nasa kabuuang 80 boardfeet naman ng kontrabandong kahoy na nagkakahalaga ng Php3,200 ang nasakote ng mga awtoridad.
Bukod dito, may naitala ring 50 violators ng special laws and local ordinances.
Sa kampanya naman laban sa insurhensya, may apat na miyembro ng CNT, siyam na milisyang bayan at 24 CTG Supporters naman ang naaresto habang ang iba naman ay kusang nagbalik-loob sa gobyerno.