Halos 200 LGU, naka-integrate na sa eGov Super App ayon sa DICT

Courtesy: DICT

Patuloy na lumalawak at naibaba na sa may dalawang daang mga lokal na pamahalaan ang eGov Super App na kung saan maaari nang makapagtransaksyon online sa gobyerno.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary David Almirol Jr., na tuluy-tuloy ang pagpapatupad at integration ng maraming mga Local Government Unit (LGU) na interesadong mag-link sa eGov PH App.

Maliban dito ay nasa mahigit 400 pang mga LGU ang nag-subscribe at gustong makipagtulungan sa unification o integration sa eGov PH App.


Magandang balita ito sabi ni Almirol dahil maganda ang response dito hindi lamang ng mga nasa national government kundi maging na sa LGU.

Idinesenyo ang eGov PH App para mas mapadali ang transaksyon sa pamahalaan at direkta ng makakapunta sa isang partikular na government agency ng hindi na daraan pa sa kanilang website.

Facebook Comments