Totoong Sexbomb dancer na si Sheena, itinanggi siya ang naaresto dahil sa illegal drugs sa Laguna

Hindi miyembro ng dating Sexbomb Girls ang babaeng inaresto sa isang buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna.

Ito ang paglilinaw ngayon ng totoong Sexbomb dancer na si Sheena Flores De Castro, kasunod ng balitang siya ang “Sheena Joana Uypico” na inaresto dahil sa illegal drugs.

Sa pamamagitan ng Instagram stories, nilinaw ni Sheena na hindi siya ang babaeng naaresto dahil nasa Amerika siya ngayon.


Si Sexbomb Sheena, ay isa na palang flight attendant at may pamilya na sa Amerika.

Kaya naman na-shock daw siya ng lumabas ang kanyang mga lumang larawan sa balita tungkol sa isa diumanong dating miyembro ng Sexbomb Girls na inaresto dahil sa droga.

Maging ang mga dating mga kasamahan sa Sexbomb at management ng grupo ay sinabing fake news ang ulat ng PNP.

Bunsod nito, pina-plano ngayon ni Sheena na kumuha ng legal advice sa insidente.

Si Sheena ay naging miyembro ng Sexbomb Girls mula 2008 hanggang 2011.

Facebook Comments