Ito ay nilagdaan sa harap ng mahigit isandaang (100) magsasaka sa pamamagitan ng zoom video conference.
Nangako naman ng buong suporta si Albano sa lahat ng magsasakang nakiisa sa programa.
Ayon sa kanya, ang internship program ay maaaring humantong pagbubukas ng maraming pinto na lilikha ng karagdagang pakikipagsosyo na bubuo ng agro-investment upang palakasin ang mga ekonomiyang pang-agrikultura sa pagitan ng lalawigan ng Isabela at mga county sa South Korea.
Natuwa rin ang Gobernador siya na ang kanyang mga Korean counterparts ay maaaring makabisita rin sa probinsya ng Isabela sa hinaharap.
Ibinida rin nito na mayroong pinakamahusay na human resource ng mga magsasaka na may angking kasanayan sa sektor ng agrikultura.
Isa sa 10 county ng South Korea ang Jinan na nag-aanyaya sa mga magsasaka mula sa Pilipinas sa mutual agreement nito.
Ang limang buwang programa ng internship ng mga magsasaka sa South Korea ay magbibigay ng benepisyo at bukas na daan ng mga pagkakataon sa mga Isabeleño.
Sa kanilang pagbabalik, ang mga magsasaka na ito ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga natutunan sa mga kapwa magsasaka na sa huli ay magiging malaking tulong sa pag-unlad ng agrikultura sa lalawigan habang pagpapabuti ng kanilang kalidad ng buhay.
Magtutungo na sa Yanggu County ang 120 magsasaka sa Abril 4-5, 2022 habang ang iba pang 75 babaeng magsasaka ay susunod naman sa huling linggo ng Abril 2022 para sa Jinan County at Wandu County.
Pumasa naman sa paunang requirements ang bilang ng mga magsasakang kasali sa naturang program.
Una nang inirekomenda ang pagsali ng Isabela sa Seasonal Agricultural Sector Exchange Program.