Halos 200 mga government officials at private individuals tatanggalan ng securIty detail ng PNP

Aalisan ng protective security personnel o security detail ng Police Security and Protection Group (PSPG) ang nasa 71 na government officials at 107 na private individuals sa pagsisimula ng election period sa January 9, 2022.

Ayon kay PSPG Spokesperson Police Major Jackson Cases, kailangang mag-apply muli ang mga ito sa Commission on Election (COMELEC) para mabigyan ng police escort.

Aniya, batay sa Comelec resolution lahat ng may protective security mapa politiko o private individual ay ire-recall natin lahat, kahit pa anya hindi tatakbo sa halalan ay kailangan rin mag-apply ng Certificate of Authority sa Comelec.


Batay sa datos ng PSPG halos 300 pulis na nagbibigay mg seguridad sa 178 na pulitiko at private indibidiwal ang irerecall.

Facebook Comments