Halos 200 motorista, natikitan ng IACT sa kanilang operasyon sa Lungsod ng Maynila

COURTESY: InterAgency Council for Traffic - IACT Facebook page

Umaabot sa halos 200 motorista ang natikitan ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) sa isinagawa nilang operasyon sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Maynila.

Partikular na ikinasa ng IACT ang kanilang operasyon sa R. Papa, Moriones, Tayuman at Juan Luna sa Tondo.

Nasa 195 na mototista ang nabigyan ng mga violation ticket kung saan karamihan sa kanilang nahuli ay pawang mga motorcycle drivers na hindi tama ang suot na helmet.


Ilan din sa mga nasitang pampublikong sasakyan ay hindi sumusunod sa inilatag na health and safety protocols ng pamahalaan dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito, dalawang motorsiklo rin ang na-impound habang isa ang hinuli dahil sa nagmamaneho ng walang lisensiya.

Ang sunod-sunod na operasyon ng IACT ay ikinakasa upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at ng mga motorsita kung saan ito ang pinakamataas na bilang ng kanilang nahuli sa mga nagawa nilang operasyon sa Metro Manila.

Facebook Comments