Umaabot sa 197 na indibidwal ang matagumpay na nahuli ng kapulisan sa ikinasang One Time Big Time Anti-Illegal Gambling Operations sa magkakahiwalay na bayan at Siyudad sa Lalawigan ng Isabela.
Ipinatupad ito ng bawat himpilan ng pulisya sa probinsya mula September 12 hanggang 18, 2022 na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Mula sa 197 na total arrested ay 47 rito ang nakasuhan ng paglabag sa Presidential Decree o PD 1602 o Illegal Gambling Act.
Ilan sa mga nahuli ay naaktuhang naglalaro ng “Tong-its” at Bingo na kabilang sa Top 2 Illegal Gambling Games. Umaabot naman sa P27,764.00 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang bet money o “taya” ng mga nahuli sa pagsusugal.
Facebook Comments