416,852 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng 1,791 na bagong kaso mula sa Tarlac, Davao City, Laguna, Cavite at Negros Occidental.
33,224 o 8.0% naman ang aktibong kaso.
328 ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 375,548 o 90.1%.
55 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,080 o 1.94%.
Ang mild case naman ngayon ay 84.5%, ang asymptomatic ay 8.7%, ang critical cases ay 4.3% habang ang severe ay 2.3% at ang moderate ay 0.20%.
Facebook Comments