Halos 2,000 bagong COVID cases sa bansa, naitala ng DOH

68

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,893 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Bunga nito, ang total cases na ngayon ay 427,797 habang ang aktibong kaso ay 31,402 o 7.3%.


Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Davao City, Negros Occidental, Western Samar, Pampanga at Quezon City

474 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 388,062 o 90.7%.

79 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,333 o 1.95%.

Facebook Comments